May bumabang anghel sa Impyerno
Hindi magkamayaw ang mga demonyo
Nagtatayuan na ang sungay ng mga gago
Paupuin ang bisita, lagusan palabas
ay isarado
Ano ba ang iyong problema iha?
Huwag mag-alala ‘yan ay aming mahihinuha
Sige iiyak mo lang hanggang maubos
ang luha
Ika’y aming tutulungan, may kapalit
nga lang na makukuha
Hinihiling namin na huwag kang basta uuwi
Turuan mo muna kaming lumipad
anghel na binibini
Ibuka mo na ang iyong mga pakpak
At isang halimaw ang biglang
pumasok at humalakhak
“Long time no see pareng Junjun!”
Sarap ng usapan habang tumatagal
Sige pauto ka pa babaeng hangal
Bawat paglagok gumuguhit sa lalamunan
Paki-tirhan ako ng pulutan, kumakalam na ang aking tiyan
Tagayan niyo pa ng Beer!
Pag naubos bumili ka naman ng Gin
Bukas ka na umalis my dear
Langit muna sa impyerno ay iyong
damhin.
