Friday, September 28, 2018

Beer-Gin


May bumabang anghel sa Impyerno
Hindi magkamayaw ang mga demonyo
Nagtatayuan na ang sungay ng mga gago
Paupuin ang bisita, lagusan palabas ay isarado

Ano ba ang iyong problema iha?
Huwag mag-alala ‘yan ay  aming mahihinuha
Sige iiyak mo lang hanggang maubos ang luha
Ika’y aming tutulungan, may kapalit nga lang na makukuha

Hinihiling namin na huwag kang basta uuwi
Turuan mo muna kaming lumipad anghel na binibini
Ibuka mo na ang iyong mga pakpak
At isang halimaw ang biglang pumasok at humalakhak
“Long time no see pareng Junjun!”

Sarap ng usapan habang tumatagal
Sige pauto ka pa babaeng hangal
Bawat paglagok gumuguhit sa lalamunan
Paki-tirhan ako ng pulutan, kumakalam na ang aking tiyan

Tagayan niyo pa ng Beer!
Pag naubos bumili ka naman ng Gin
Bukas ka na umalis my dear
Langit muna sa impyerno ay iyong damhin.


Saturday, June 30, 2018

Spoken Poetry

(Tono ng  “Order Taker” chorus )
Mental Disorder!
Disoooorder!
Disoooooooorder!
--
Kumukulo ang dugo noong ang mga salitang ito ay itinitipa
Bugso ng aking damdamin hindi ko na talaga mapigilan pa
Kaya naman aking hinihiling na kayong lahat ay dumistansya...
Baka hindi ako makapag hunos dili—pasensya
Mga siraulo! hindi ako isang baliw—hustisya!

Alam niyo kung anong mali sa inyo?
Palagi kayong tama...
Akala niyo tama rin na isipin niyong mayroon akong tama
Sabi kayo ng sabi na ako ay isang loko-loko,
FYI hindi mahina ang utak ko alam kong kayong lahat ay manloloko!

Baliw
Baliw
Baliw baliw baliw
Tama na hindi na nakakaaliw!
Loko-loko
Loko-loko
Loko-loko Loko-loko Loko-loko
Sumasakit na ang aking ulo
Ayoko ng gulo
Mga mapanghusga! wala kayong alam sa istorya sapagkat nagsimula kayong lahat sa dulo!

Sssssssshhhh!
Huwag kayong maingay may naririnig ako...
Papatayin?
Ha? Sino? Sino? Sinong papatayin?
Papatayin mo 'ko? Ha? Papatayin mo 'ko?
Sige, patayin mo na pala ko, basta wag mo lang sasaktan yung anak ko...
Teka, anak ko yan a!
Anak ko yan!
Pangalan niya ay Yanyan
Ibalik mo siya sa'kin
Huwag mo siyang angkinin
Anak, nandito na si papa...
Kaso wala pa nga lang si mama…
Bakit ka nagtatago?
Huwag kayong tumakbo!
Bakit kayo lumalayo?

Bakit? Dahil ba hindi ako naliligo?
Iniisip ko lang ang inyong kapakanan
Kapag naligo ako mababawasan ang malinis na tubig ng ating sanlibutan!
Baka wala ng mainom na tubig
Maiintindihan niyo rin ang aking bukambibig
Yung buhok ko.
Wala kayong pakialam kahit na magmukha akong si SADAKO
Hindi niyo lang ako naiitindihan, kaya ayan tuloy SAD AKO
Naawa ako sa barbero
Mahirap kanyang trabaho
Men, maniwala ka 'yan ay kanyang INAMEN
Men, yung buhok tutubo rin naman, tangINA-MEN
Pati pananamit ko kunware pinaPAKi-ALAM-MAN
Wala kang PAKE at ALAM MEN!
Bakit hindi ako nagdaDAMIT?
WTF 'di ba pwedeng unique lang ako? DAMN IT!
Wala ring kaso kung ako ay nakaHUBAD
Bastos lang talaga kayo mag-isip, WHOOOO BAD!
Isa pa, naaawa ako sa MANANAHI
Kaya di ko na talaga kayang MANAHI-mek!
Mga nilalang kayong meron ngang ulo pero wala naman yung laman!
Kapag nadumihan yung damit siyempre kailangang labhan kainaman!
Iniisip ko lang din yung maglalaba mahihirapan pa
Ngayion alam mo na? Anak ng tinapa!


Mental disoorder...
Teka mukhang paparating na yung mga pulis
Shit! kailangan ko nang tumakbo ng mabilis
Dadalhin na yata nila ako sa mental hospital
Kailangan kong mag-atubili hindi pwedeng pabaggal-bagal
Disooorder...
Malapit na sila
Ilang dipa nalang tila
Maaabutan na'ko
Nakunakunakunako!
Disooooooorder...
(Nahawakan na ang aking mga kamay)
Hindi ako siraulo, hindi ako loko-loko, hindi ako isang baliw...
So please, pakawalan niyo 'ko.

(Photo Credit: Mygudnesgrasas.blogspot)


Friday, June 15, 2018

talo namn hahha

Debut

Dumating na rin sa wakas ang pinakahihintay ng kaisa-isang apo ni Linario. Sumapit na ang ika-12 ng Hunyo, kung saan ipagdiriwang na ni Mabini ang kanyang ika dalawampu't isang kaarawan.
Isa na siya ngayong ganap na binata. Malaya na rin siya kahalintulad ng mga kaibigan niyang sina Jose at Andres.
Sa kalagitnaan ng pagsasalu-salo ay dumating si Linario na bitbit sa likuran ang regalong ihahandog sa apo.
"Ganap na binata ka na ngayon apo! Dahil diyan pinapayagan na kitang magdesisyon sa kung anong ninanais ng sarili mo. Kung gugustuhin mo, kahit 'di ka na rin pumasok sa eskwelahan, kahit hindi ka na magkolehiyo." Labis-labis ang naging pagngiti ni Mabini sa kanyang lolo Linario.

"Ito na ang aking regalo, nakikita mo ba ang palaisdaan na yan?"

"Opo, lolo.”

At ibinigay na nga ni Linario ang kanyang handog na matagal niya nang iniingatan—ang pamingwit na minana pa niya sa kanyang tatay.

"Medyo masakit na ang aking likod apo, tutal nasa wastong edad ka na naman, maaari bang ikaw naman ngayon ang maghanapbuhay?"

Sunday, June 3, 2018

HINDI NA AKO MAKAPAGSULAT NG TULA


Nagugulumihanan ang isip
Hinalukay na pati panaginip
Subalit hindi pa rin  maiwaksi ang pagkainip
Malamig na hangin hindi mapalitan ang ihip
Mga kalyo sa daliri ay masyado nang hitik
Ngunit hindi talaga makuha ang hinahanap na titik
Mga salita ay wala nang maipitik
Yung tipong hindi na lumalagitik
Nawawalan na ng kapangyarihan
Unti-unting nilalamon ng kahinaan
Kasanayan, tila ay nakaligtaan
Na pilit inaalala sapagkat nakalimutan
Hindi na makamtan ang ninanais na tugma
Palagi na lamang mga salita ay hindi tama
Kung pakikinggan ay napakasama
Iba't-ibang kaisipan hindi na kasi mapagsama
Sinabayan pa ng kalangitan na 'di makitaan ng tala
Titik, salita, sukat , tugma unti-unting nawawala
Masakit man aminin subalit mukhang tama ang aking hinala
Hindi na ako makapagsulat ng tula.


Friday, June 1, 2018

Kape

Lasa ay nasa nagtitimpla
Kung matamis, matapang o mapakla
Pampainit kapag malamig
Magpakulo ka na ng tubig

Pwede sa umaga o gabi
Nakakapaso nga lang ng labi
Sa gabi, hindi ka patutulugin
Sa umaga , diwa  mo'y gigisingin

MAGKAPE KA...
Upang hindi ka muna makatulog
MAGKAPE KA...
Para tuluyan ka ng magising

Timpla rito, timpla roon—walang humpay
Ipinapares sa parisukat na tinapay
Gabi na, subalit andami pa ring gising
Nagbabaraha sa gilid ng higaan ng babaeng inalayan ko ng singsing.

Friday, May 25, 2018

FAREWELL

"I will break these chains that bind me, happiness will find me
Leave the past behind me, today my life begins
A whole new world is waiting its mine for the taking
I know I can make it today my life begins"

AT NABAKLAS NA NGA ANG KADENA...
Nakawala na sa hawla ang kwagong si Athena
Papalipad sa kung anumang direksyon
Dala-dala ang mga natutunang leksyon

Sa tulong ng patnubay at gabay ng bibeng ina
Na kilala sa tawag na Sheena
Matapang na susuungin ang himpapawid
Kasama ng pangakong lahat ng pagsubok ay matatawid

Siguradong kaligayahan ay patuloy siyang susundan
Kung saan ang nakaraan ay palagi lamang nasa likuran
Sapagkat masasayang ala-ala nito'y 'di malilimutan
—nakaukit na sa puso, 'di mabubura magpakailanman

Ang kwago ay malaya na
AT NAGSIMULA NA SI ATHENA...
Ibinuka at ikinampay ang mga pakpak
Kasama ng dedikasyon na sa desisyon ay 'di papalpak.

(Abangan sa susunod na kabanata ang muling pagkikita ng kwago at bibeng ina)

GOODLUCK TO OUR NEW JOURNEY HUMSS 01 -ATHENA
THANK YOU TO OUR BELOVED ADVISER SHEENA MAY MANGGAO

BEAUTIFUL GOODBYE GUYS!😩😭

Saturday, April 21, 2018

Jak N Poy

Talo ng bato ang gunting
Talo ng gunting ang papel
Talo ng papel ang bato
Bato.
Gunting.
Papel.
Mag Jak en poy tayo
Jak en poy
Panalo ako pipitikin kita
Jak en poy
Panalo ulit ako pipingutin kita
Jak en poy
Panalo na naman, nasasaktan ka na ba?
Sino nga bang magwawagi
si jack o si poy?
Ito ang istorya
ng magkaibigang Jack at Poy
na umibig kay N
Sino si N?
Find the value of N.
Anong formula?
bait+talino-artexganda÷paasa
Masakit sa ulo
hirap sa matematika
Pero handang solusyunan ni jack
Napagsama niya ang bait at talino ni N
Akala niya magagawa niya na
Pero masyado siyang nasilaw sa ganda
Hindi na napansin ang pagka-maarte
Sa huli pinaasa lang siya
Magaling sa matematika si Poy
Kinilatis ng mabuti si N
Nakitang mabait at matalino
Pero maarte nga lang
Subalit ayos lang maganda naman daw
Nakailang subok siya
TAE
Trial And Error
Pero parang may mali sa formula
sa huli pinaasa lang din siya
Ang kwentong ito ay Love Triangle
Dalawang magkaibigan
Nagkagusto sa iisang babae
Triangle formula: bh/2
B=babae H= heart
Sa madaling salita
Babaeng may pusong
'di kayang magmahal ng dalawa.

Pero sino ba talaga si N?
siya ay si...
N-one of your business.