Friday, June 15, 2018

talo namn hahha

Debut

Dumating na rin sa wakas ang pinakahihintay ng kaisa-isang apo ni Linario. Sumapit na ang ika-12 ng Hunyo, kung saan ipagdiriwang na ni Mabini ang kanyang ika dalawampu't isang kaarawan.
Isa na siya ngayong ganap na binata. Malaya na rin siya kahalintulad ng mga kaibigan niyang sina Jose at Andres.
Sa kalagitnaan ng pagsasalu-salo ay dumating si Linario na bitbit sa likuran ang regalong ihahandog sa apo.
"Ganap na binata ka na ngayon apo! Dahil diyan pinapayagan na kitang magdesisyon sa kung anong ninanais ng sarili mo. Kung gugustuhin mo, kahit 'di ka na rin pumasok sa eskwelahan, kahit hindi ka na magkolehiyo." Labis-labis ang naging pagngiti ni Mabini sa kanyang lolo Linario.

"Ito na ang aking regalo, nakikita mo ba ang palaisdaan na yan?"

"Opo, lolo.”

At ibinigay na nga ni Linario ang kanyang handog na matagal niya nang iniingatan—ang pamingwit na minana pa niya sa kanyang tatay.

"Medyo masakit na ang aking likod apo, tutal nasa wastong edad ka na naman, maaari bang ikaw naman ngayon ang maghanapbuhay?"

No comments:

Post a Comment