Ambaho ng kanyang hininga
Pero palagian pa ring nakanganga
Pilit kong isinasara ang kanyang mga labi
Subalit ayaw nitong magdikit, kailangan pa yatang ihabi
Sa kabila nito, totoo naman siyang kaibigan
Sa pagpasok at pag-awas ko sa iskul di niya ko iniwan
Sinasabayan akong maglakad malayo o malapit man
Kaya ako'y nalulungkot— nalalapit na ang kanyang kamatayan
May taning na ang kanyang buhay
Baka mga 2 linggo na lamang daw sabi ni itay
Maghanap na lang daw ako ng bagong makakasama
Hindi naman daw sa lahat ng oras ang paglisan ay masama
Para sa kaibigan kong bad breath,
Hindi kita makalilimutan till my last breathe
Mukhang tunay na pagod na pagod ka na nga
Kaya naman paalam na sapatos kong nakanganga.
Hindi ko naman hinihiling na basahin mo, gusto ko lang talagang magsulat.
Saturday, March 31, 2018
Friday, March 30, 2018
Hostes-siya (hustisya)
Tulog siya sa umaga, gising sa gabi
Kung sino-sino na lamang ang tumatabi
Isa raw kalapating mababa ang lipad
Gumigiling, dahil sa kwarta'y sawimpalad
Handang ialay pati ang kanyang katawan
Lahat ng suot tanggal, walang naiiwan
Kaya naman si Junjun ay napapaangat
sa silya—papalakpakan si "Inday kagat"
"Kaya siya'y mababang uri ng nilalang",
Tsismis na pinapakalat ni aling Bebang
Naniniwala tuloy si inosenteng Juan
Kaya ang ipagtanggol siya'y suntok sa buwan
"Hitad, mabababang uring wala ng puri"
"Kahit sinong lalake pwedeng mag may-ari"
'yan ang nakikita ng mapanghusgang mata
'Di natitingnan katotohanang halata
Bakit nga ba napasok sa gan'tong trabaho
Bakit pinipiling mag-amoy mabaho
Ito lang kasi ang alam niyang paraan
Para maibsan kumakalam na tiyan
Kaya naman huwag natin siyang husgahan
"Mabuhay lamang", kaniyang kagustuhan
Kinakailangan din niya ng hustisya
Na kailangang ibigay kahit HOSTES SIYA
6 stanza
4 lines per stanza
13 syllables per line
Kung sino-sino na lamang ang tumatabi
Isa raw kalapating mababa ang lipad
Gumigiling, dahil sa kwarta'y sawimpalad
Handang ialay pati ang kanyang katawan
Lahat ng suot tanggal, walang naiiwan
Kaya naman si Junjun ay napapaangat
sa silya—papalakpakan si "Inday kagat"
"Kaya siya'y mababang uri ng nilalang",
Tsismis na pinapakalat ni aling Bebang
Naniniwala tuloy si inosenteng Juan
Kaya ang ipagtanggol siya'y suntok sa buwan
"Hitad, mabababang uring wala ng puri"
"Kahit sinong lalake pwedeng mag may-ari"
'yan ang nakikita ng mapanghusgang mata
'Di natitingnan katotohanang halata
Bakit nga ba napasok sa gan'tong trabaho
Bakit pinipiling mag-amoy mabaho
Ito lang kasi ang alam niyang paraan
Para maibsan kumakalam na tiyan
Kaya naman huwag natin siyang husgahan
"Mabuhay lamang", kaniyang kagustuhan
Kinakailangan din niya ng hustisya
Na kailangang ibigay kahit HOSTES SIYA
6 stanza
4 lines per stanza
13 syllables per line
Saturday, March 3, 2018
13
Trinaydor ni Judas ang Poong Maykapal
May nagsasabing siya'y ikalabintatlong disipulo
Nagkataon nga lang ba, pangyayaring sumampal
Sa'min--kaya ang luha'y biglang tumulo?
Sa Tarot Card ay numerong kamatayan
Labing-tatlo, malas ng nakasanayan
Noong ikalabintatlo ng Pebrero
Mapaglarong tadhana kami'y nilaro
'Di pa rin talaga makapaniwala
Mahal kong tatay bigla na lang nawala
Kinabukasan no'n ay araw ng mga puso
Si tatay naman inatake sa puso.
Subscribe to:
Comments (Atom)