Friday, March 30, 2018

Hostes-siya (hustisya)

Tulog siya sa umaga, gising sa gabi
Kung sino-sino na lamang ang tumatabi
Isa raw kalapating mababa ang lipad
Gumigiling, dahil sa kwarta'y sawimpalad

Handang ialay pati ang kanyang katawan
Lahat ng suot tanggal, walang naiiwan
Kaya naman si Junjun ay napapaangat
sa silya—papalakpakan si "Inday kagat"

"Kaya siya'y mababang uri ng nilalang",
Tsismis na pinapakalat ni aling Bebang
Naniniwala tuloy si inosenteng Juan
Kaya ang ipagtanggol siya'y suntok sa buwan

"Hitad, mabababang uring wala ng puri"
"Kahit sinong lalake pwedeng mag may-ari"
'yan ang nakikita ng mapanghusgang mata
'Di natitingnan  katotohanang halata

Bakit nga ba napasok sa gan'tong trabaho
Bakit pinipiling mag-amoy mabaho
Ito lang kasi ang alam niyang paraan
Para maibsan kumakalam na tiyan

Kaya naman huwag natin siyang husgahan
"Mabuhay lamang", kaniyang kagustuhan
Kinakailangan din niya ng hustisya
Na kailangang ibigay kahit HOSTES SIYA

6 stanza
4 lines per stanza
13 syllables per line

No comments:

Post a Comment