Ambaho ng kanyang hininga
Pero palagian pa ring nakanganga
Pilit kong isinasara ang kanyang mga labi
Subalit ayaw nitong magdikit, kailangan pa yatang ihabi
Sa kabila nito, totoo naman siyang kaibigan
Sa pagpasok at pag-awas ko sa iskul di niya ko iniwan
Sinasabayan akong maglakad malayo o malapit man
Kaya ako'y nalulungkot— nalalapit na ang kanyang kamatayan
May taning na ang kanyang buhay
Baka mga 2 linggo na lamang daw sabi ni itay
Maghanap na lang daw ako ng bagong makakasama
Hindi naman daw sa lahat ng oras ang paglisan ay masama
Para sa kaibigan kong bad breath,
Hindi kita makalilimutan till my last breathe
Mukhang tunay na pagod na pagod ka na nga
Kaya naman paalam na sapatos kong nakanganga.
No comments:
Post a Comment