Hindi ko naman hinihiling na basahin mo, gusto ko lang talagang magsulat.
Saturday, February 3, 2018
Isla Puting Bato
Papunta ako sa isang lugar,
na hindi ko alam—tila naliligaw.
Hindi pa ito sa'kin nabubulgar,
subalit, ako'y nahumaling sa mga natanaw.
Maraming nilalang ang tuwang-tuwa.
Ang iba'y nagpipiyesta sa pagkain, gutom na gutom.
Tila wala silang inaalalang problema—
walang nanghuhusga, naghuhukom.
Tumakbo papunta at 'di na nag-atubili,
tumapak sa ulap, wari'y lumulutang.
Naglunduan lahat ng pighati,
at nagsimulang humalakhak—na dati'y nahikbi.
Ito na yata ang tinatawag na "paraiso."
Tumutungtong ako ngayon sa langit.
Nang may dumating... hinawakan ang aking mga braso;
sabi ko "sandali lang",itinuloy ang paghithit.
"Itaas mo ang iyong mga kamay!",
ako'y kanilang pinosasan...
"Huwag niyo kong patayin!",
hiling ko sabay piglas...
Boom! laglag ako at rumatay,
at unti-unting nawala ang aking mga lakas.
Kinuha nila ako at inilayo sa paraiso,
ipinasok sa isang lugar, kasama ng ibang hinatak.
Sa paggising, napaiyak na lamang sa nakita ko—
ang aking pamilya na nagkawatak-watak.
Simula noon, nabuo na ang desisyon ko;
hindi na ako babalik sa isla puting bato.
Sapagkat ang tunay na langit ay ang aking pamilya...
at ito ang tunay na paraiso—ang tunay na ligaya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment