Sunday, February 11, 2018

KAIBIGAN?

Kapag hindi mo na kaya
Hindi kita tutulungan
Kasinungalingan na
Yayakapin kita
Totoo ang mga sinasabe ko
Paniwalaan mo ito
Hahayaang bumigay na lamang
Hindi kita
KAIBIGAN
Ikaw ay kaaway
Huwag mong isiping
Sasamahan kita sa mga dagok ng buhay
Wala kang kakampi
Walang katotohanang
May tutulong sayo
Sa pananalasa ng bagyo ay
Mag-isa
Hindi totoong
May kasama ka
Sa problema'y
Pababayaan
Hindi kita
KAIBIGAN




--Reverse Poetry

No comments:

Post a Comment