Monday, February 5, 2018

Universe 7: Sudden Disturbance

May mga binge na gustong makarinig,
habang may mga tao namang may pandinig nga pero nagbibingi-bingihan.

May mga bulag na gustong makakita,
habang may mga tao namang may mga matang gumagana subalit nagbubulagbulagan.

May mga pilay na gustong maglakad,
habang may mga tao namang nakalalakad nga pero wala namang narating.

May mga pipe na gustong makapagsalita,
habang may mga tao namang kayang bumigkas ngunit mas pinipiling manahimik na lang.

May mga taong gustong umangat,
habang may mga tao namang hinihila sila pababa.

May mga taong mas maligaya pa habang nalulungkot at  nahihirapan ang iba.

Sila ay mga nilalang na kung tawagin ay "tao", nakatira sa tinatawag nilang"Earth", na parte ng ika-pitong sansinukob.

Talagang nakapagtataka...
sila ay kakaiba...
natatakot na ako sa kanila...
LALO NA SA MGA MAY MAHAHABANG BUHOK NA MAY BALIGTARANG LIKOD.
—Alien

No comments:

Post a Comment