Lumuluha ang mga mata habang ito ay itinitipa
Nagliliyab ang damdamin, 'di na mapigilan pa
Bakas ng nakaraan, ginawa kong piyesa
Para sayo ito.. aking prinsesa
Kasakit-sakit na pighati
Kalunos-lunos na pagdadalamhati
Sa kabila ng lahat ay siya pa ring nagbabakasakali
Maibalik sana ang oras, na imposible—hindi madali.
Hindi ko alintana na mangyayari iyon
Masaya pa tayo, nagkasundo pa nga sa iisang layon
Yun ang, "walang iwanan"
Pero ngayon bakit wala ka na? 'di na matunghayan
Sa isang idlip lang...
tila ako'y binusalan
'di makapagsalita...
nakitang patay na ang papakasalan.
Sa isang idlip lang...
'di ka na makamulat
habang ako naman ay hindi makapikit
hindi makapaniwala—lingid sa'kin na mayroon ka palang sakit.
Sa isang idlip lang...
nawala na ang lahat.
Akala ko pa naman ako'y mayroon pang mabubuklat...
'yun pala'y natapos ko na ang binabasang aklat.
Napakaganda ng tula sa libro mo prinsipeng nawalan ng prinsesa.
—prinsiPEN
No comments:
Post a Comment