Saturday, February 3, 2018

Panda

Napakasakit kung iisipin...
yung tipong ihahagis na lang
pagkatapos mong gamitin.
Sa tingin ko naman 'di ako nagkulang,
ginawa ko ang lahat mapasaya ka lang.

Pinagsawaan mo na ako't lahat...
pero ang masakit, hindi kita inawat.
Hinayaan lang kita sa mga gusto mo,
kahit pa ito'y ikapahamak ko.

Pero alam mo yung pinakamasakit...
pagkatapos mo akong gamitin
ipahihiram mo naman ako sa tropa mo.
Subalit hindi manlang ako tumanggi...
sapagkat ipinag-utos mo.

Ilang araw ang lumipas, isinauli rin ako.
Pagdating ko meron na pala kong kapalit.
Mahilig ka kasi sa bago...
ayaw mo na sa'kin dahil napagsawaan mo na.

Sana nalalaman mo 'to,
"naghihingalo na ako ngayon",
dahil yata sa pagtataeng naranasan ko kahapon.
Don't worry 'di pa naman ako mamamatay,
kasi alam kong 'di mo na ko gagamitin
—madudumihan ang iyong kamay.

Aaminin ko na, oo isa lamang akong bayaran,
mabibili mo sa limang piso lang.
Pero sana naman pahalagahan mo ang aking buhay
nagpapakilala, bolpen na iyong pinapatay.


No comments:

Post a Comment